Meron iako isang close friend na lalaki. Close, ex ko siya at tawag niya sakin “best” Naging kami 3 years ago. Mejo puro away kami noon kaya nagbreak kami. At napagdesisyonan niming hindi magiging kami hanggang hindi sure ang isa’t isa na kami na talaga.
Well, we’re close na kilala ko lahat ng mga nagiging girlfriend niya at kilala niya lahat ng mga nanliligaw sakin.Etong last girlfriend niya kasi parang ewan. Parang ako pa nga yung sinisisi nung girl kung bakit nagbreak sila. Nung nagbreak sila, lagi kaming magkausap ni BEST.
Then the other night, katext ko siya, gusto raw niya pumunta sa dating school namin, samahan ko raw siya. OK lang naman sakin. Then sabi niya, “tayo lang? hmmm. baka pagkamalan na namang tayo” E kasi naman mejo marami atang may alam na naging kami kaya everytime na magkasama kami, ang daming nilang sinasabi kaya ang sagot ko, “what’s new? Lagi namang ganyan” Parang wala na lang kasi sakin un. E MATAGAL na kasi. tapos bigla niyang sabi na “Bakit hindi natin totohanin” OK. Nawindang ako dun. At marami pa siyang sinabi that night.
Somehow, nagpaparamdam siya like saying I MISS YOU. Ganun kaso mejo naiilang ako e. Kapag binigyan ko ulit siya ng chance, baka sirain lang niya. Iniisip ko yung mga pwedeng mangyari at naguguluhan ako.
Kaya guys, pahelp naman o. Should I give him another chance?